Tatlong araw ko nang pinapaiyak ang sarili ko sa kakapanood ng Maalaala Mo Kaya sa youtube.com...ang saya saya meron talagang nag-a-upload ng buong episode. Yung una yung 'Rosaryo', starring Juday and Ryan. Nung una gumigilid-gilid lang ang mga luha sa mga mata ko pero ayun, naiyak na ako ng tuluyan. Weakness ko kasi yung mga scene na may old man and son na nagdadrama. At aminin na rin natin na magaling talagang umarte si Juday.
Ang next na pinanood ko yung 'Radyo', at ang magka love team ay si Mark Bautista and... *drumrolls*...GLORIA DIAZ! Grabeh muntik ko nang hindi kayanin, mabuti na lang at naawa sila sa mga viewers at walang kissing scene na naganap. Hay ang pag-ibig talaga, walang pakialam kahit 48 thousand years ang age gap nyo.
Tapos ang latest ay ang 'Laptop', starring Joross and Roxanne. Nung una hindi ko naman balak maging affected talaga ng story kasi pa-tweetums naman ang tingin ko sa mga bida, kaso pagkalaunan ay nagpakatotoo na talaga ako at kinuha ko na yung Kleenex sa bag ko kung saan nag-aksaya ako ng tatlong piraso ng tissue sa aking pag-emote. Siguro'y dala na rin ito ng malamig na weather.

1 Comment(s):
cute!
Post a Comment
<< Home