Photobucket - Video and Image Hosting
aLaiSm
bOnaTs
cAsPeR
cHiN
dAvE
eVa
iVy
jAsHep
jEuNesse
KennY
maYbeLine
miSsY
m!ke
PiNkIsTa
StYx
wAyne
WendY
Photobucket - Video and Image Hosting
Monday, October 09, 2006
Bituing Walang Ningning


Finally.

I'm done watching all the uploaded episodes of ABS-CBN's soap Bituing Walang Ningning on youtube.com. Mabuhay ang youtube!!!

For me, BWN is one of the best drama serials of ABS-CBN. Ilang tissue paper rin ang nalustay ko sa bawat episode. Hindi gaya ng ibang soap, wala nang ginawa ang mga characters kundi umiyak, eh hindi naman nakakaiyak sa point of view ng mga manonood. Ang Bituing Walang Ningning ang iilan sa mga soap na may kuwenta, sa opinion ko lang ha.

Ang galing galing galing ni Sarah Geronimo. Okay, sobrang galing nya na ngang kumanta, napahanga nya rin ako sa kanyang acting skills. (At magaling rin sya maghost ng tv show). Ewan, sobrang proud talaga ako sa kanya. Wise talaga yung decision ng ABS-CBN na kunin si Sarah. Kasi nanalo sya sa Star for a Night (contest ng ibang channel), napanood ko pa nga yung finale eh, kung saan kalaban nya si Mark Bautista. Pareho silang magaling kaya na confuse rin ako kung kanino ako kakampi. Anyway.

Ayun, pinapanood ko ang Bituing Walang Ningning every meal time. Pack lang ako ng food tapos mag log on sa youtube para panoorin yun sa computer habang kumakain. Last week lang rin yun nag end actually, sa birthday pa ni Mama (Oct 6).

Maganda kasi yung story. Tapos yun theme song isa sa may mga pinakamagandang lyrics sa lahat ng kantang na-compose sa balat ng lupa.

Kung minsan ang pangarap
Habambuhay itong hinahanap
Bakit nga ba nakapagtataka
'Pag ito ay nakamtan mo na
Bakit may kulang pa

Mga bituin aking narating
Ngunit langit ko pa rin ang iyong piling
Kapag tayong dalawa'y naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
'Di kayang pantayan ating ningning

CHORUS 1
Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal
Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal
Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning
Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin

CHORUS 2
Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon ako'y bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig


Ito yung mga tipo ng kanta na nakakapanhinayang na hindi ako magaling kumanta. Shiyet.

Yung finale, yung concert, ang galing galing ni Sarah nung pagrender nya ng song and dance number ni Beyonce. Kaya nya rin pala yun. Akala ko dun lang siya magaling sa mga songs na may pa gown- gown effect pang nalalaman. (Bakit ba naka-gown talaga sa mga singing contest??!) Ewan basta sa halos lahat ng eksena nung finale nakahanda na yung tissue paper, na kahit gutay gutay na nire-recycle ko pa rin.

Ayan, two thumbs up sa lahat ng may kinalaman sa pagbuo ng BWN. Salamat sa pagkumpleto ng aking meal times haha.

Oo, mag-aaral na uli ako para sa midterm test ko bukas.


0 Comment(s):

Post a Comment

<< Home