Photobucket - Video and Image Hosting
aLaiSm
bOnaTs
cAsPeR
cHiN
dAvE
eVa
iVy
jAsHep
jEuNesse
KennY
maYbeLine
miSsY
m!ke
PiNkIsTa
StYx
wAyne
WendY
Photobucket - Video and Image Hosting
Friday, October 20, 2006
TAs

First time ko makatanggap ng prize mula sa ibang tao for having good midterm test results. Haha=)

Sa class kanina, tumayo ako para magvolunteer mag answer ng tutorial questions (yun pala wala akong kumpletong answer sa question kaya nagtapang-tapangan na lang akong mag answer pa rin sa board). Anyway, ayun, isa ako sa mga tinawag at binigyan ng gift pack ng Teaching Assistant (siya ang pinakagusto kong China person kasi nagpapatawa sa klase...kakaiba siya). Tapos nakasulat sa likod yung full name ko at 'Keep up the good work!' or something like that. Diba ang saya saya? Ibang klase yung effort na binibigay ng lecturer at ng mga TA para sa subject na to (Financial Accounting)...isang reason na kinuha ko to kasi si Mama, CPA. Para may alam naman ako kahit konti sa major nya hehe=)

Tapos, isa pang TA. Sa lab session ko kanina sa Transportation Engineering. Ewan ko anong pangalan nya mahirap tandaan eh. China guy rin...PERO! Kakaiba rin sya. First time ko lang siya nakita kanina...matipuno ang katawan, malamang nagji-gym..magaling manamit. O diba parang hindi PRC (sorry totoo naman eh). Actually matangos yung ilong nya kaya ko sya napansin (kasi yun ang unang-unang napapansin ko sa opposite gender). Kaso, SIYA AY SUPLADO. Sayang ang mga ganun.

Anyway. Yun lang.


0 Comment(s):

Post a Comment

<< Home